Tuwing ika 14 ng Pebrero ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Puso.Bata man o matanda, may partner ka man o wala ang bawat isa ay nagmamahal.Mahalaga sa akin ang araw na ito dahil isa ito sa mga araw na higit nating maipadarama ang ating pagmamahal sa asawa, sa mga anak, sa mga magulang at sa mga kaibigan.
Ang bawat nilalang ay may puso. Damhin natin ang nilalaman nito.Ano ang sinasabi ng iyong puso?Nagmamahal ka din ba?